Agaw-eksena! Lalaki umakyat sa poste

Isang lalaking sinasabing may problema umano sa pag-iisip ang umakyat sa poste ng kuryente sa Davao City.

Sa report, nangyari ang pang-aagaw eksena ng lalaking suspek alas-8:00 kahapon ng umaga, Dec 25, makaraang umakyat ito sa poste ng Davao Light and Power Company (DLPC).

Kinilala ang salarin na si alyas Boy-Boy kung saan naganap ang insidente sa may Km 16, 2025 Daang Maharlika Highway, Brgy. Ilang, Davao City.

Kaagad namang kinordon ng mga tauhan ng Bunawan na pinamumunuan ni PCMS Nicor ​​at PCpl Fernandez, sa pangunguna ni PLT Jojie Sayad, ang lugar kasama ang Central 911 USAR sa pangunguna ni Jeffrey Lapiña, at ang Emergency Crew ng Davao Light.

Nagsagawa ng agarang koordinasyon sa Davao Light at 911 para sa rescue operation at

matapos ang mahigit tatlong oras ay nailigtas naman si alyas Boy-Boy. (Edith Isidro)


オリジナルサイトで読む