Ulo ng nakamotor nadurog sa tractor

Agad binawian ng buhay ang isang 26-anyos na rider matapos bumangga sa isang tractor sa kahabaan ng CP Garcia, Lanang Azuela Cove, Davao City,

Kinilala ang nasawi na si Mohammad Midtimbang Guialil, na nagmamaneho ng Honda Click 125 na may plate number 622 NPJ.

Nasa kustodiya naman ng pulisya ang driver ng truck tractor head na si Lartu Tagbo Daganan, ng Purok Fatima Lasang, Davao City.

Sa inisyal na imbestigasyon, bago ang insidente, binabaybay ng dalawang sasakyan ang Daang Maharlika Highway mula Pampanga patungong Damosa direction, kung saan ang parehong sasakyan ay sumasakop sa outerlane patungo sa LM2. Ngunit pagdating sa kurbadang bahagi, tumama ang left side handle bar ng motosiklo sa gitnang bahagi ng tractor.

Sa lakas ng impact, sumirko ang motorsiklo at bumagsak sa semento ang biktima na nasagasaan din ng gulong ng likurang bahagi ng truck na halos ikadurog ng ulo nito at nagtamo ng mga sugat sa katawan.

Dumating ang central 911 ambulance sa pinangyarihan ng krimen ngunit idineklara nang dead on the spot si Guialil.

Ang bangkay ay dinala sa mini forest Muslim facility gayundin ang parehong napinsalang sasakyan. (Edith Isidro)


オリジナルサイトで読む