Aso inatake sa puso dahil sa fireworks

Isang aso sa animal shelter sa Dumaguete City, Negros Oriental ang nasawi matapos umanong atakihin sa puso dulot ng walang tigil na pagpapaputok sa paligid ng pasilidad.

Kinilala ng Dumaguete Animal Sanctuary ang aso na si Noah, at nangyari ang insidente noong hapon ng Miyerkoles, Disyembre 31.

“We are heartbroken and so angry – Noah had a heart attack and died this afternoon due the fireworks being set off constantly around the shelter.”

“He was shaking and then just literally dropped dead,” saad ng pamunuan ng animal shelter.

Matagal na rin umano silang nananawagan sa mga residente na iwasan ang paputok malapit sa kanilang pasilidad.

Nagdalamhati naman ang Dumaguete Animal Sanctuary sa pagkasawi ni Noah. (Angelica Malillin)


オリジナルサイトで読む