Motorsiklo nadiskaril: Binatilyo dedo, 2 sugatan

Dead on arrival sa ospital ang isang 15-anyos na binatilyo matapos na mawalan ng kontrol ang minamaneho niyang motorsiklo sa National Highway sa Barangay Tuburan, Pototan, Iloilo kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawi bilang si alyas “JP” habang sugatan naman ang kanyang mga angkas na sina “RJ”, 21 at “Fele”, 17, mga residente sa Sitio Sta. Cruz, Brgy. Lico-an, Barotac Nuevo, Iloilo.

Ayon sa imbestigasyon ng Pototan Municipal Police Station, pauwi na ang mga biktima mula Pototan patungong Barotac Nuevo nang nawalan ng kontrol sa motorsiklo si JP dahilan upang tumumba at tumama sila sa semento.

Isinugod sa ospital ang mga biktima pero idineklarang patay si JP habang patuloy na ginagamot ang dalawa pang sugatan. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente partikular ang pagmamaneho ng biktima ng walang lisensiya. (Joven Escaniel)


オリジナルサイトで読む