Mga pulis binardagul ng lasing na dalaga

Inihahanda na ngayon ang kasong malicious mischief laban sa isang 20 taong gulang na dalaga na nasa kostudiya ng PNP Cebu dahil sa ginawa nitong pambabastos sa mga pulis at pag-alipusta sa prusisyon ng isang sekta ng relihiyon sa kalsada kahapon.

Nangyari ang insidente sa Harisson Park, B. Urgello, Barangay Sambag 2, Cebu City Enero 8, 2026 ng umaga nang hindi nagpaawat sa mga humahabol na pulis ang isang alyas ‘scarlet’ na umano ay lango sa alak.

Habang tumatakbo umano ay dinuraan pa ng dalaga ang mga indibidwal na sumasabay sa isang prusisyon.

Kinahapunan, humingi ng dispensa ang babae habang nasa loob ng karsel at sinabing meron siyang pinagdadaanan at inaatake ng anxiety.

Nalaman na laking Negros ang suspek na nakatira pansamantala sa Sitio Boyong, Barangay Maribago, Lapulapu City Cebu na ngayon ay nahaharap sa reklamong paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code. (Edwin Gadia)


オリジナルサイトで読む