Dalagitang estudyante pinugutan

Karumal-dumal ang sinapit ng isang 15‑taong‑gulang na dalagita matapos itong matagpuang patay at pugot ang ulo sa isang plantasyon ng tubo sa Sitio Sinait, Barangay Dagat Kidavao sa Valencia City, Bukidnon nitong Huwebes ng umaga, Enero 8.

Ayon sa ulat ng Valencia City Police Office, natagpuan ng mga residente ang mga labi ng biktima pasado alas‑11:00 ng umaga sa masukal na plantasyon, na malapit sa rutang madalas daanan ng dalagita pauwi mula sa eskuwela.

Lumabas sa paunang imbestigasyon na iniulat na nawawala ang dalagita noong Enero 6 nang hindi na siya umuwi mula sa eskuwela.

Sa ginawang pagresponde ng mga awtoridad, unang narekober ang ulo ng biktima bago makitang nakahiwalay ang katawan nito na nasa ilang metro lamang ang pagitan.

Hindi pa malinaw ang motibo sa pagkamatay ng dalagita at patuloy pang iniimbestigahan ang insidente.

Ayon sa mga imbestigador ng Police Regional Office‑Northern Mindanao (PRO‑10), kabilang sa kanilang sinisiyasat ang huling taong nakasama o nakitang kasama ng biktima bago ito nawala.

Kasama rin sa iniimbestigahan kung may iba pang elemento ng krimen tulad ng pang‑aabusong sekswal bago ito pinatay. (Jun Mendoza)


オリジナルサイトで読む