Nakakumpiska ang National Bureau of Investigation 11 at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ng mga parcel ng iligal na gamot sa isinagawa nilang operasyon kahapon, Enero 8, 2026, sa isang courier warehouse sa Bunawan, Davao City.
Ang mga parcel ay naglalaman ng mataas na uri ng kush, mga vape na naglalaman ng mga sangkap ng tsongke, at mga langis ng tsongke.
Ayon sa address na nakalagay sa parcel, galing ito sa ibang bansa at patungo sa Luzon kung saan ihahatid sa mga lugar gaya ng Maguindanao, Cotabato City, Davao Oriental, Davao del Norte, at Davao City.
Hinihimok ng NBI-11 ang publiko na agad na i-report sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad para agarang masugpo ang mga iligal na transaksyon.
Kasabay nito’y hinigpitan pa ng pulisya ang pagbabantay sa mga parsel. (Edith Isidro)