3 tigok sa karambola

Tatlo ang kumpirmadong nasawi sa magkakahiwalay na aksidente sa General Santos City nitong araw ng Miyerkules, Enero 7.

Una rito, hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang mag-asawa matapos makasalpukan ng sinasakyan nilang tricycle ang isang dump truck sa Diversion Road ng lungsod.

Kinilala ng City Traffic Enforcement Unit ang mga biktima na sina Junie Gubalani, 51-anyos at misis na si Jennifer, 52, isang guro. Sugatan din sa insidente ang kasama nilang pamangkin.

Samantala, utas din ang isang mekaniko matapos namang masangkot sa karambola ng mga sasakyan sa bahagi ng Conel Road.

Ayon kay PLt. Col. Patrich Elma, minamaneho ng biktima ang kaniyang motorsiklo nang bigla itong sumalpok sa isang kotse.

Sangkot din sa karambola ang isa pang malaking truck.

Hawak pa sa ngayon ng mga awtoridad ang mga drayber ng mga sangkot na sasakyan para sa malalimang imbestigasyon. (Jun Mendoza)


オリジナルサイトで読む