Tandem pumalya sa target: Estudyante nasapol sa ambush

Sugatan ang isang 16 taong gulang na estudyante na natamaan din ng bala nang pagbabarilin ang isang lalake sa Cebu City, pasado alas-7:00 ng gabi, Enero 13, 2026.

Agad namang naitakbo sa Cebu City Medical Center ang duguang biktima at ang pinaka-target, na kapwa ngayon kasalukuyang ginagamot.

Nangyari ang insidente sa Ponce 2 Barangya Carreta, Cebu City kung saan pinaputukan ng dalawang salarin na lulan ng motorsiklo ang biktimang si Rene Llanado, 48 taong gulang, na kapwa residente sa naturang lugar.

Samantala, nasapol ng pinakawalan na mga bala ng baril ang 16 taong-gulang na babaeng estudyante ng Carreta National Highschool at residente ng Maribago, Lapu-lapu City, na nasa lugar nang isagawa ang pag-ambush.

Batay sa ulat ng Waterfront Police Station 3, nalaman na nagtamo ng sugat sa likurang bahagi ng katawan ang babaeng estudyante, habang sa dibdib at tagiliran tinamaan ang lalaki.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon sa insidente. (Edwin Gadia)


オリジナルサイトで読む