Engineer nag-resign, naispatang bangkay

Kinumpirma ng pulisya sa Mabolo Police Station sa Cebu na empleyado ng telecom company na Globe ang lalaking natagpuan sa isang creek, umaga ng Martes Enero 13, 2026.

Palutang-lutang at wala ng buhay nang maispatan ang 28 taong gulang na si Tobby Olayan, laking Capitol Valley, Barangay Dao, Tagbilaran City Bohol.

Nalaman sa ulat na kasalukuyan itong nangungupahan sa isang apartment sa Kasambagan, Mabolo, Cebu City.

Umaga nang makita ang katawan ni Olayan ng ilang residente sa Mahiga Creek ng Barangay Mabolo, na kaagad itinawag sa police station.

Nai-report pa sa pulisya na nawawala alas-2:00 ng hapon, Enero 12,2026 si Olayan matapos itong mag-resign bilang Field Engineer ng Globe sa Cebu.

Inaalam ngayon ng pulisya kung may kaugnayan sa kanyang iniwang trabaho ang sanhi ng insidente. (Edwin Gadia)


オリジナルサイトで読む