Umakyat na sa 19 ang bilang ng mga nasawi sa pagguho ng landfill sa Binaliw sa Cebu City matapos makuha ang isa pang bangkay alas-3:15 ng hapon nitong Miyerkoles.
Ayon sa report ng mga awtoridad, ang labi ay nahukay sa Sector B o likurang bahagi ng lugar.
Hindi pa natutukoy ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng ika-19 na biktima.
Kasunod ito ng pagkakarekober SA katawan ng isa pang biktima dakong alas-11:51 ng umaga kahapon.
Ayon sa pinakahuling ulat, 18 katao na ang nailigtas mula sa insidente.
Samantala, 17 iba pa ang patuloy na pinaghahanap at pinaniniwalaang nawawala.
Nagpapatuloy pa rin sa ngayon ang search, rescue, and retrieval operations ng mga kinauukulang ahensya sa lugar ng sakuna.