Bulkang Kanlaon, 45 beses yumanig

Naitala ang 45 volcano-tectonic (VT) earthquakes sa Bulkang Kanlaon mula alas-12:00 ng hatinggabi nitong Miyerkoles, Enero 14.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), may lakas ang mga lindol mula magnitude 0.6 hanggang 3.9 at may 0 hanggang 13 kilometrong lalim.

Ang pinakamalakas na lindol ay naramdaman sa La Carlota City at Bacolod City sa Negros Occidental, at sa Canlaon City sa Negros Oriental, na may Intensity I hanggang IV.

Paliwanag ng Phivolcs, ang pagdami ng VT earthquakes ay senyales ng progressive rock fracturing sa ilalim ng bulkan habang umaakyat ang magma o gas patungo sa ibabaw.

Umabot naman sa 1,248 tonelada kada araw ang emisyon ng sulfur dioxide (SO2) mula sa summit crater nitong Martes.

Nananatili sa Alert Level 2 ang Bulkang Kanlaon. Nagbabala ang Phivolcs sa posibleng phreatic o explosive eruptions sa crater na maaaring magdulot ng pyroclastic flows, ashfall, rockfall, at ballistic projectiles.

Pinaiiwas din ng ahensya ang mga residente sa apat na kilometrong permanent danger zone at pinaalalahanan na mag-ingat sa posibilidad ng lahar. (Angelika Cabral)


オリジナルサイトで読む