Bahay natabunan ng lupa, 2 tigok

Dalawa ang nasawi sa landslide sa Barangay Bariis, Matnog, Sorsogon nitong Sabado ng hatinggabi, sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Ada.

Ayon sa Sorsogon Provincial Police Office, bandang alas-12:10 ng hatinggabi nang biglang gumuho ang lupa sa likurang bahagi ng kanilang bahay habang mahimbing na natutulog ang mga biktima.

Nalibing sa loob ng natabunang bahay ang isang 22-anyos na lalaki at 19-anyos na babae, kapwa residente ng Barangay Bariis.

Agad rumesponde ang pulisya, katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at Bureau of Fire Protection, kung saan matagumpay na narekober ang mga labi ng biktima bandang alas-6:30 ng umaga

Ang mga labi ng nasawing biktima ay isinailalim na sa kaukulang proseso at dinala sa punerarya.

Sa ngayon, ang Sorsogon ay nasa ilalim ng Typhoon wind signal no. 2. (Angelika Cabral/Jude Hicap)


オリジナルサイトで読む