Mga pekeng pera buking sa screening area

Higit P60,000 na pekeng pera ang narekober sa isang lalaki sa Kalibo, Aklan, Biyernes January 17, 2026 sa selebrasyon ng Kalibo Señor Santo Niño Ati-Atihan Festival 2026.

Ayon sa Kalibo PNP, nadiskubre ang nasa ₱65,000 na pekeng pera na nakapaloob sa isang bag matapos itong mapadaan sa screening area sa bahagi ng C. Laserna Street, Poblacion, Kalibo.

Agad namang inaresto ng mga awtoridad ang lalaki para sa kaukulang imbestigasyon.

Ayon sa suspek, ang kanyang asawa ang nagdala ng bag at hindi umano niya alam na may laman itong pekeng pera.

Dagdag pa ng suspek, natanggap umano nila ang pera bilang pamasko at insentibo mula sa kanilang amo, at hindi nila nalaman na peke ito.

Patuloy ngayon ang imbestigasyon ng awtoridad sa insidente. (Joven Escaniel)


オリジナルサイトで読む