Kalabaso ang 18 taong gulang na estudyante lalaki matapos maaresto kahapon ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group Provincial Field Unit (CIDG PFU) sa Sorsogon.
Ang suspek ay kinilalang si alyas “Benjie” at itinuturing ding top 3 most wanted person ng Bulusan PNP, sa Bulusan, Sorsogon.
Ayon sa Bulusan MPS, si alyas Benjie ay may patong-patong na kaso kabilang ang Acts of Lasciviousness na may piyansang P180K, 13 counts of sexual assault na may piyansang P180K at 3 counts ng panghahalay na walang itinakdang piyansa.
Naghihimas na ito ngayon ng malamig na rehas sa detention facility at hinihintay na lang ang ibababang commitment order mula sa korte.
Nagpahayag naman ng kasiyahan ang mga naging biktima ni alyas Benjie dahil sa pagkadakip nito.
(Jude Hicap)
