Utol grinipuhan ni kuya sa walwalan

Isang lalaki ang sinaksak ng sarili niyang kuya sa Bgy. Jolo Roxas, Palawan.

Hindi pa alam ang motibo sa likod ng pananaksak ng salarin sa kanyang nakababatang kapatid.

Kinilala ang suspek na si alyas Jake, 29 na taong gulang, kuya ng biktimang si alyas Rino, kapwa residente sa naturang barangay.

Base sa imbestigasyon, bago ang insidente, nag-iinuman ang magkapatid sa bahay ng kanilang ama noong Lunes ng gabi January 19.

Habang nasa kasagsagan ng tagayan, inaya ang biktima ng kanyang live-in partner para magpasama sa CR.

Pagtayo ng dalawa ay nagbitaw umano ng masasakit na salita ang suspek at hinarangan ang pinto sabay tulak sa kapatid na nauwi sa mainitan nilang pagtatalo hanggang sa tarakan nito ang kapatid.

Agad na tumakas ang suspek na patuloy na pinaghahanap ng kapulisan hanggang ngayon.

Naisugod naman sa pagamutan ang biktima at patuloy na ginagamot. (Romeo Luzares Jr)


オリジナルサイトで読む