Nabatid na agad na iniulat ng estudyante sa kanyang kaklase at sa kanyang guro ang nasabing impormasyon pagdating sa kanilang paaralan alas-6:00 ng umaga kahapon, Enero 21 na nag-udyok sa kanila na ipaalam sa Buhangin police station.
Kasunod noon ay inilikas sa ligtas na lugar ang mga estudyante habang rumesponde na rin ang EOD-K-9 unit ng Davao City Police Office sa lugar at nagsagawa ng panelling kung saan wala namang masamang nangyari. (Edith Isidro)