Kaskaserong rider sumalpok sa SUV

Sa imbestigasyon ng pulisya at kuha ng Closed-Circuit Television o CCTV, makikita na mabilis ang takbo ng motorsiklo.

Ilang saglit lang ay napunta sa kabilang linya ang motorsiklo at nakasalpukan ang kasalubong na SUV.

Sa lakas ng pagbangga, tumilapon ang biktima dahilan para magtamo ito ng matinding sugat sa katawan.

Dinala sa ospital ang lalaking rider pero hindi na umabot na buhay.

Wala namang sugat ang 61-anyos na driver ng SUV na isang guro.

Parehong nagtamo ng matinding sira ang SUV at motorsiklo. (Randy Menor)


オリジナルサイトで読む