Balik-kulungan ang isang event coordinator matapos masakote sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa bayan ng Midsayap, Cotabato.
Sa ulat nitong Huwebes, Enero 22, ni PLt. Colonel Rey Salgado, hepe ng Midsayap Municipal Police Station, tinukoy ang nasakoteng suspek na si “Bano”, residente ng Purok 7, Barangay Anonang.
Nasamsam mula sa suspek ang tatlong pakete ng hinihinalang `bato’ o illegal na droga.
Dagdag ni Salgado, ito na ang ikalawang beses na naaresto ang suspek sa kasong pagtutulak, kung saan noong 2016 ay nakulong na rin umano ito.
Nakapiit na ngayon ang suspek sa custodial facility ng Midsayap MPS at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165. (Jun Mendoza)
