Sa lakas ng pagbangga, tumilapon ang angkas ng motorsiklo habang ang driver ay nadaganan ng motor.
Nagtulong tulong ang mga motorista na tanggalin ang rider pero hindi nila kinaya dahil naipit ang paa nito sa motorsiklo at nagliliyab na ang motorsiklo.
Gumamit pa ng fire extinguisher ang mga motorista pero hindi nila maapula ang apoy lalo na at tumatagas na ang gasolina na ikinatakot ng mga tao.
Naapula lamang ang sunog nang dumating na ang BFP, pero hindi na naisalba pa ang buhay ng rider at ang motorsiklo.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), hindi na daw gumagalaw ang biktima habang nasusunog.
Agad namang dinala ng Department of Public Safety ang kasama nito sa ospital.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa nangyaring aksidente. (Randy Menor)