Droga, puslit na boga nasabat sa kelot

Matagumpay na naaresto ang isang lalake sa pinagsanib na operasyon ng Placer MPS, Masbate 2nd PMFC, at iba pang yunit ng pulisya kaugnay sa ilegal na droga at mga hindi lisensyadong armas.

Isinagawa ang search warrant bandang alas-6:13 ng umaga, Enero 23, 2026, sa Purok 4, Brgy. San Marcos, Placer, Masbate.

Ang operasyon ay isinagawa sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Ronnie G. Vallena, Acting Presiding Judge ng RTC Branch 49, Cataingan, Masbate.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Jek-jek,” nasa hustong gulang at residente ng nasabing lugar. Siya ay itinuturing na Street Level Individual (SLI).

Tinatayang sampung gramo ng hinihinalang droga ang narekober na nagkakahalagang humigit-kumulang P68,000. Kasabay nito, nakumpiska rin ang mga drug paraphernalia, iba’t ibang kalibre ng armas, at bala.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. (Edwin Gadia)


オリジナルサイトで読む