2 escort sugatan, 3 suspek todas Mayor inasinta ng rocket grenade, Himalang nakaligtas

Muling nalusutan ni Shariff Aguak, Maguindanao del Sur Mayor Akmad Ampatuan ang tangkang pananambang sa kanyang buhay matapos pagbabarilin gamit ang rocket-propelled grenade (RPG) ang kanyang bullet-proof na sasakyan sa Barangay Poblacion kahapon ng umaga.

Ayon sa mga awtoridad, nakuha sa CCTV footage ang insidente kung saan ilang lalaki ang sakay ng isang minivan at isa sa kanila ang umatras para magpaputok ng RPG sa sasakyan ng alkalde bandang alas 6:30 ng umaga.

Ayon kay Anwar Kuit Emblawa, executive assistant ng mayor, ligtas ang alkalde at nasa mabuting kondisyon ang mga sugatang escort.

Ito na ang pangatlong tangkang pagpatay sa mayor sa loob ng limang taon.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad kabilang ang pagsusuri ng CCTV footage habang hindi pa inilalabas ang motibo o pagkakakilanlan ng iba pang posibleng sangkot.


オリジナルサイトで読む