Fortuner pinaandar ng student driver: Mag-utol, 1 pa dedbol sa karambola

Tatlo katao ang binawian ng buhay sa malagim na vehicular accident sa San Juan Bautista, Goa, Camarines Sur kahapon ng alas-6:50 ng umaga, January 28, 2026.

Agad namang rumesponde ang MDRRMO Goa at nagsagawa ng emergency medical assistance.

Dead on arrival ang tatlo katao habang dalawa pa ang nasa kritikal na kalagayan sa Bicol Medical Center.

Inaalam pa ang ugat ng karambola kung saan sa inisyal na ulat ng mga otoridad, lumalabas na isang 19 years old na may student permit ang nagmaneho ng SUV (Fortuner) at dalawa sa namatay ay magkapatid, isa dito ay graduating ng Crimonoly ngayong taon.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng GOA PNP sa nasabing insidente. (Jude Hicap)


オリジナルサイトで読む