Todas ang dalawang batang magkapatid matapos sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang delivery truck habang papunta sa kanilang paaralan sa national road sa Barangay Ilijan Norte sa Tubigon, Bohol noong Martes ng umaga.
Sa ulat, patungo sana ang magkapatid na nasa edad 13 at 14 sa kanilang paaralan para kumuha ng pagsusulit at magbayad ng tuition fee nang mangyari ang aksidente kung saan sakay ng motorsiklo ang mag-utol na minamaneho ng 14-anyos na biktima at kapwa walang suot na helmet.
Dahil sa pagmamadali, nag-overtake umano ang mga biktima sa tricycle na nasa kanilang harapan bago bumangga sa paparating na delivery truck sa nasabing lugar.
Agad dinala sa ospital ang mga biktima kung saan idineklarang dead on arrival ang magkapatid. (Dolly Cabreza)