Staff ng CENRO tinuklaw ng ahas

Agad na itinakbo sa pagamutan ang isang team leader on wildlife sa Naga Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) makaraang tuklawin ang kamay nito ng ahas na nais nitong hulihin para maisalba.

Sa Panganiban Drive Naga City nangyari ang aksidente mula sa reticulated python na papatakas subalit nanlaban nang umano ay mahawakan ng team leader na si Reymund Dela Cruz.

Sa isang panayam ay nagpaalala ang Naga City CENRO sa publiko kaugnay sa breeding season ng mga ahas ngayong buwan, na karaniwang pumapasok diumano sa mga subdivision ng urban areas.

Delikado lalo na ang Phi­lippine Cobra ayon sa CENRO, kung kaya huwag basta-basta humawak o mang­huli ng ano mang uri ng wild animals at ipagbigay-alam ito kaagad sa kanila.

Sa ilalim ng Republic Act No. 9147, mahigpit na ipinagbabawal ang paghuli, pananakit o pagpatay sa mga ligaw na hayop. (Edwin Gadia)


オリジナルサイトで読む