P22M smuggled yosi nasabat

Arestado ng Regional Special Operations Group 11 ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng ₱22 milyong halaga na ‘smuggled’ na sigarilyo sa isang operasyon sa Barangay Dawis, Digos City kahapon, Pebrero 6, 2026.

Narekober mula sa mga suspek ang 440 na mga master case na mga iligal na sigarilyo.

Ang mga naaresto ay mahaharap sa paglabag sa Section 7 ng Republic Act No. 12022, o ang “law defining crimes of agricultural and economic sabotage,” gayundin ang Republic Act No. 10643, na may kaugnayan sa “graphic health warnings on tobacco products.”

Nasa kustodiya na ng Digos Police ang mga dalawang suspek habang ang mga sigarilyong nasabat sa mga ito ay isasailalim sa verification ng Bureau of Internal Revenue (BIR). (Edith Isidro)


オリジナルサイトで読む