Nahuli at kasalukuyang nasa pangangalaga ng Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center (PWRCC) ang isang buwaya na iniuugnay sa atake sa isang lalaki sa Brgy. Sebaring, Balabac noong Enero 23, 2026.
Isinagawa ang operasyon ng PCSDS at PWRCC matapos makatanggap ng ulat tungkol sa panganib sa nabanggit na buwaya sa lokal na komunidad.
Ang hinuling buwaya ay may habang 10.9 talampakan—sapat upang ituring na mapanganib bago alisin mula sa natural nitong tirahan.
Umabot ng pitong araw ang trapping operation bago ito matagumpay na nalambat sakay ng bangka patungong Buliluyan Port, Bataraza, at kalaunan ay dinala sa PWRCC gamit ang truck ng PCSDS Enforcement Team.
Iginiit ng mga awtoridad na delikado ang panghuhuli ng buwaya at dapat lamang itong isagawa ng mga eksperto mula sa PCSDS at PWRCC. (Romeo Luzares Jr.)
