Sanggol na-trap sa sunog, dedo

Labis ngayon ang pagdadalamhati ng mga magulang ng isang taong gulang na sanggol matapos itong ma-trap at masawi sa sunog na sumiklab sa kanilang bahay sa Parang, Maguindanao del Norte, nitong Miyerkoles, ­Pebrero 11.

Ayon sa Parang Muni­cipal Police Station, dakong alas-9:00 ng umaga nang sumiklab ang apoy sa bahay ng mga biktima sa Pacoma Street, ­Barangay Poblacion Dos. Mabilis umanong ku­malat ang apoy dahil gawa sa light material ang kanilang tahanan.

Sa kabila ng agarang pagtugon ng mga magulang, hindi na nila nai­ligtas ang kanilang baby girl na naiwan sa loob. Sinubukan pa umano ng ilang residente na isalba ang sanggol, ngunit hindi kinaya dahil sa lakas ng apoy.

Ayon sa isang fire investigator, naabot na ng bata ang pinto ng bahay ngunit naharang siya ng isang hadlang na inilagay upang maiwasang mahulog, kaya’t hindi na siya nakalabas.

Ayon naman sa BFP-Parang, kasalukuyang iniimbestigahan ang sanhi ng sunog at ang kabuuang halaga ng napinsalang ari-arian. (Jun Mendoza)


オリジナルサイトで読む