May-amoy na commuter `di pinasakay sa jeep

Agad na sinaklolohan ng mga pulis ang isang lolo matapos na tanggihang isakay ng hindi naplakahang public utility vehicle (PUV) dahil sa kakaibang amoy umano nito sa Tacloban City noong Huwebes.

Nang malaman ang nangyari, pinuntahan ng mga operatiba ng Tacloban City Police Station 2 na naka-deploy sa New Bus Terminal ang matanda, tinulungang maligo saka pinagsuot ng malinis na damit.

Matapos ay binigyan ng mga pulis ng pamasahe saka isinakay sa pampasaherong van ang matanda upang matiyak na ligtas itong makauwi sa kanyang tirahan.

“Serving the public requires us to respond when people need help. Ang bawat indibidwal ay nararapat tratuhin nang may respeto at malasakit,” pahayag ni Philippine National Police (PNP) chief, P/Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr. (Dolly Cabreza)


オリジナルサイトで読む