Abot sa 41 katao ang nasugatan matapos mawalan ng preno at tumaob ang kanilang sinasakyang bus sa Barangay Maribong, Lambunao noong Sabado.
Ayon kay PLt. Gabriel Manguera, hepe ng Lambunao Municipal Police Station, galing sa Iloilo City ang bus na minamaneho ni alyas “Jose”, 45-anyos, patungong Tapaz, Capiz nang hindi kumagat ang preno nito pagdatingsa kurbada at pababang bahagi ng Barangay Maribong.
Agad naman aniyang rumesponde ang mga residente sa lugar at tumulong sa pagdadala sa mga biktima sa ospital. Nasa ligtas ng kalagayan ang mga ito mula sa tinamong mga sugat at galos.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Lambunao PNP ang driver na nagtamo rin ng sugat sa likod matapos ang aksidente.
Ayon kay Manguera, nakasalalay sa mga pasahero kung magsasampa sila ng kaso laban sa driver. (Joven Escaniel)
