CA inutos pakawalan ‘galamay’ ng Mexican Sinaloa drug cartel

Inutusan ng Court of Appeals (CA) ang Bureau of Immigration na agad palayain si Gregory Johann Haas, iniuugnay sa Mexican Sinaloa drug cartel dahil ilegal ang kanyang pagkakakulong at lumalabag sa kanyang constitutional rights.

Pinagtibay ng korte ang habeas corpus petition na isinampa ng ina ni Haas, si Soledad Tolentino Haas.

Si Haas, isang Australian na muling nagkaroon ng Filipino citizenship, ay naaresto sa Cebu noong Mayo 2024 bilang Red Notice subject ng Interpol sa kahilingan ng Indonesia kaugnay ng tangkang pagpupuslit ng methamphetamine. Humi­ling ang Indonesia ng deportasyon habang itinuturing ng BI siyang fugitive at banta sa publiko.

Ayon sa CA, lumalabag sa karapatan ni Haas sa buhay at kalayaan ang pagkakakulong sa ilalim ng BI mission order, kaya inirekomenda ang agarang pagpapalaya niya. Naging sentro rin ng pansin ang kaso dahil tinitingnan ng Indonesia ang posibleng pagpapalitan ni Haas at ng dating mayor ng Bamban, Tarlac, Alice Guo, na naaresto sa Indonesia dahil sa ilegal na POGO ope­rations. (Prince Golez)


オリジナルサイトで読む