Dahil sa pag-aaway o LQ (lover’s quarrel) ng magdyowa, muntik nang magkasunog sa isang boarding house nang buhusan ng gasolina ng nobyo ang tinutuluyan ng kanyang GF.
Ayon sa ulat, nagbuhos umano ng gasolina ang suspek sa dingding, sahig ng comfort room at iba pang bahagi ng boarding house matapos ang alitan nila ng nobya.
Agad namang napigilan ang tangkang pagsunog nang makita ng isang 11-anyos ang pagbuhos ng gasolina kaya naalarma ang suspek na agad tumakas.
Ayon sa punong parangay ng Maunlad na si Kap. Alfredo Mondragon, nakilala ang suspek sa pamamagitan ng kuha ng CCTV kaya agad na naaresto ng mga awtoridad. (Romeo Luzares Jr)
