P66K sa coffee shop hinarbat

Isang coffee shop sa kahabaan ng Bypass Road ang ninakawan ng mahigit P66,000 na pera at ari-arian.

Ayon sa caretaker ng BEAN Express Grab at Go Coffee, dakong alas-10:30 ng umaga nang i-report niya ang insidente.

Kinumpirma din ng pulisya sa pamamagitan ng CCTV footage na nangyari ang pagnanakaw alas-3:30 ng madaling-araw na kinasangkutan ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo.

Ayon sa ulat, puwersahang binuksan ng suspek ang salamin na bintana, pumasok sa tindahan, at kinuha ang P51,270 na cash at isang Huawei tablet na nagkakahalaga ng P15,000, habang ang kasama nito ay nagsilbing lookout.

Tumakas ang mga suspek sakay ng kanilang motorsiklo matapos ang pagnanakaw.


オリジナルサイトで読む