3 CAFGU tinodas ng ka-tropa

Tatlong miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) Active Auxiliary ang napatay at dalawa ang sugatan matapos pagbabarilin ng katropa sa Allangigan Patrol Base sa Barangay Apatan, Pinukpuk, Kalinga nitong Martes ng gabi.

Sinabi ni Police Capt Ruff Manganip, tagapagsalita ng Kalinga Police Provincial Office, naganap ang insidente dakong alas-8:50 ng gabi.

Ang suspek na miyembro rin ng CAFGU Active Auxiliary na nakatalaga sa patrol base ay walang habas na nagpaputok umano ng M-16 Armalite rifle ng wala umanong dahilan.

Tatlo sa kanyang mga kasamahan ang napatay at dalawa pa ang nasugatan.

Tumakas ang suspek matapos ang pamamaril ngunit kalaunan ay natunton at naaresto sa Pinukpuk.


オリジナルサイトで読む