P21M smuggled yosi, `pinalaman’ sa uling

Nasa P21 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo ang nasamsam sa isang pantalan sa Zamboanga City.

Nabatid kay Regional Police Director Brig. Gen. Edwin Quilates nitong Lunes, nasabat ang mga yosi sa isinagawang anti-smuggling operation ng Zamboanga Police noong Linggo.

Naharang umano ang isang wing van sa lokal na pantalan na naglalaman ng 300 master cases ng iba’t ibang klase ng sigarilyo.

Natuklasan na itinago ang mga kontrabando sa loob ng sasakyan sa gitna ng mga sako ng uling.

Naaresto naman ang isang 42-anyos na residente ng Barangay San Jose, Cawa-Cawa at dinala na sa kustodiya ng mga awtoridad para sa imbestigasyon. (Angelica Malillin)


オリジナルサイトで読む