Manliligaw sinakyod karibal, dalaga nadamay

Parehong isinugod sa ospital ang 22 taon gulang na dalaga at 20 taon gulang na binata matapos silang masaksak sa Barangay Capangdanan, Pinili, Ilocos Norte noong linggo.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nagkita-kita ang dalawang biktima at ang lalaking suspek sa isang birthday party sa nasabing barangay.

Kinompronta umano ng suspek ang lalaking biktima na nanliligaw din sa kanyang nililigawan.

At habang kinakanta na ang birthday song, bigla umanong sinaksak sa likod ng suspek ang kanyang karibal.

Natumba ang biktima at uundayan pa sana ng suspek ng saksak ang biktima pero isinangga ng babae ang kanyang katawan na dahilan na siya ang nasaksak ng suspek sa kanyang ulo at daliri.

Agad naman naawat at naaresto ang suspek at narekober din ang patalim na nagamit.

Nasa kustudya ng pulisya ang suspek na haharap sa patong-patong na reklamo. (Randy Menor)


オリジナルサイトで読む