Bundok nagliyab sa basura

Isinisisi sa pagsunog ng basura ang pagkatupok ng aabot sa 15 ektaryang tuktok ng bundok sa Sitio Palumbanes, Barangay Toytoy, Caramoran, Catanduanes nitong Miyerkules ng madaling araw.

Ayon kay Fire Officer 3 Rico Botin ng Caramoran Fire Station, mga cogon grass at natumbang kahoy ng nagdaang bagyo ang natupok ng apoy.

Iniimbestigahan pa umano ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sanhi ng sunog kahit sa inisyal na impormasyon ay posibleng nagsimula anya ito sa sinunog na basura.

Nakaugalian na umano sa naturang lugar na matapos itambak ang basura tulad ng mg nakatumbang kahoy at damo ay sinusunog.

Kaya naman nakiusap ang opisyal na bukod sa bawal ang pagsunog ng basura ay lubhang delikado ito sa kapaligiran.

Nanghihinayang naman ang video uploader na si Naldo Yusores dahil sayang umano ang pagod ng mga kabataan at ibang organisasyon na nagtanim ng kahoy upang sagipin ang biodiversity at pagyamanin ang turismo ng lugar. (Rosas Olarte)


オリジナルサイトで読む