BCFI, Solaire Cares sinaklolohan mga biktima ni ‘Uwan’ sa Catanduanes

Nagpaabot ng agarang tulong ang Bloomberry Cultural Foundation, Inc. (BCFI) kasama ang Solaire Cares, ang corporate social responsibility arm ng Bloomberry Resorts and Hotels Inc. at Solaire Resort and Casino, para sa mga komunidad sa Catanduanes na matinding tinamaan ng Bagyong Uwan.

Dahil sa matinding pagbaha at patuloy na kakulangan sa pagkain bunsod ng naputol na supply lines, namahagi ang grupo ng 25 kilong sako ng bigas sa may 2,000 pamilyang lubhang nangangailangan.

Sakop ng relief operation ang mga bayan ng San Miguel, Baras, Gigmoto, Panganiban, Pandan at Caramoran.

Naging posible ang mabilis at maayos na pamamahagi dahil sa tulong ng Catanduanes Police Provincial Office, 503 CDC Rescom Philippine Army at 83IB 9ID Philippine Army. (IS)


オリジナルサイトで読む