Todas ang 44-anyos na lalaki nang pugutan ng kainuman na kaniyang kinantiyawan sa Dipolog City nitong Miyerkules ng madaling-araw.
Sa ulat kay P/Maj Evelyn Porras, deputy chief of police ng Dipolog City Police Station, matapos makaalitan ang girlfriend, nakipag-inuman ang 26 taong gulang na binata sa labas ng bahay ng biktima sa Barangay Miputak, Dipolog City.
Nang pareho nang lasing, kinantiyawan umano ng biktima ang suspek sa pagiging ‘broken hearted’ nito at kung anu-ano pang pinagsasabi na dahilan kung bakit inaway ito ng kasintahan.
Dahil sa kalasingan, hindi na nakontrol ang sarili at nagalit ang suspek. Kinuha nito ang dala niyang itak saka tinagpas ang ulo ng kainuman.
Agad namang naaresto ang suspek na nahaharap sa kasong murder. (Dolly Cabreza)
