Driver na nang-araro ng 2 telco post, inatake sa puso

Atake sa puso o heart attack ang ikinasawi ng isang drayber ng pampasaherong bus nan ang-aararo ng dalawang poste ng telecommunication (telco) sa Barangay Sipi, Daraga, Albay araw ng Miyerkules, Disyembre 3, 2025.

Sa report, ang Silver Star bus na may plakang NHA 2637 at body #202300 ay patungo ng lalawigan ng Samar nang gumewang ito makaraang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver dahil sa hindi naging normal ang pisikal nitong kondisyon.

Ligtas at wala namang mga galos ang labing-isang (11) pasahero nito sa pakurbang kalsada dahil maagap na tumugon ang konduktor ng bus at kaagad na nakabig ang manibela kasabay umano ang pag-apak sa brake.

Unang sumalpok ang bus sa dalawang poste ng telekomunikasyon. At habang minamaniobra ng rumespondeng konduktor ang driver seat ay umatras umano ito ng ilang metro hanggang sa sumandal at naipit sa barandilyang bakal na nagsilbing harang at hindi nahulog ang bus sa mababang bahagi na gilid ng kalsada.

Ayon pa sa impormasyon, naisugod sa pinakamalapit na ospital ang drayber na naninigas at humihinga pa, subalit binawian din ito ng buhay. (Edwin Gadia)


オリジナルサイトで読む