Dedbol ang isang lalaki matapos pagraratratin ng hindi pa nakilalang mga suspek sa bayan ng Kabacan, North Cotabato, umaga nitong Huwebes, Disyembre 4.
Batay sa inisyal na ulat ng Kabacan Municipal Police Station, nakarinig lamang ng sunod-sunod na putok ng armas ang mga residente ng Barangay Lower Paatan, at naispatan ang nakabulagtang biktima.
Lumabas sa imbestigasyon na sakay ng motorsiklo ang lalaki nang paputukan ng mga suspek.
Ito na ang pangalawang kaso ng pamamaril sa nasabing barangay, kung saan nitong nakaraang linggo lamang, nasawi rin ang isang naglalako ng pandesal matapos itong tambangan.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa parehong insidente. (Jun Mendoza)