Kolehiyala umalingasaw bangkay sa boarding house

Naaagnas na ang bangkay nang matagpuan ang 20-anyos na college student sa loob ng inuupahang boarding house sa Makilala, Cotabato nitong Biyernes ng hapon.

Sa ulat ng Makilala Municipal Police Station (MPS), alas-4 ng hapon nang madiskubre ang bangkay ng kolehiyala sa isang boarding house sa Purok 2, Sta. Catalina, Barangay San Vicente.

Isa umanong residente malapit sa boarding house ang tumawag sa mga pulis matapos na umalingasaw ang mabahong amoy mula sa inuupahang silid ng biktima.

Pansamantalang itinago ng pulisya ang pagkakakilanlan ng estudyante na natagpuang nakahandusay sa sahig.

Sinabi ng mga kapitbahay sa mga imbestigador na pinaniniwalaang buntis ang biktima at hindi na nakitang lumabas ng kanyang silid mula pa noong Disyembre 2.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng Makilala police kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng kolehiyala. (Dolly Cabreza)


オリジナルサイトで読む