Pulis duguan sa bumulusok na sasakyan

Sugatan ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) matapos mahulog ang kanyang sasakyan sa bangin sa Transcentral Highway sa Barangay Cansomoroy, Balamban, Cebu kahapon ng umaga.

Ayon sa imbestigasyon ng Balamban Municipal Police Station, minamaneho ni Police Master Staff Sergeant Mohaliden Kamsang Samod, 44 anyos, residente sa Tubigagmanok, Asturias, ang kanyang sasakyan nang tangayin ito ng malakas na agos ng tubig .

Nanggaling umano si Samod mula Balamban patungong Cebu City nang maabutan siya ng malakas na agos ng tubig sa kalsada na siyang nagpadulas sa daan.

Pinilit niyang bumalik patungong Balamban pero habang kumakabig siya ng pa-U turn ay tinangay na ng agos ang kanyang sasakyan patungong bangin na tinatayang may lalim na 20 hanggang 30 talampakan.

Nagtamo siya ng mga sugat at patuloy na ginagamot,(Issa Santiago)


オリジナルサイトで読む