Erpat dindedo sa martilyo 2 anak na PWD

Pinagpapalo ng martilyo hanggang mapatay ang magkapatid na Person With Disability (PWD) ng kanilang ama sa loob ng kanilang bahay sa Misamis Oriental nitong Huwebes.

Sa ulat ng Gingoog City Police Station, natagpuang kapwa duguang nakahandusay at wala ng buhay ang magkapatid na nasa edad 20 at 21, sa loob ng kanilang bahay sa Gingoog City, Misamis Oriental.

Batay naman sa pahayag ng suspek, nagpasya siyang patayin ang dalawang anak para matapos na ang paghihirap ng mga ito sa kanilang kondisyon na lagi lang nasa loob ng kanilang bahay dahil may mga kapansanan.

Mariin namang itinanggi ng mga kaanak ang sinabi ng suspek dahil nakikita nilang sadyang walang malasakit umano ito sa mga anak sa kabila ng kalagayan ng mga ito.

Inaalam naman ng mga awtoridad kung may kondisyon ng mental health ang suspek.

Nanawagan naman ng pinansyal na tulong ang mga kaanak ng mga biktima para mabigyan ang mga ito ng maayos na libing.

Nakapiit na ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kaniya. (Dolly Cabreza)


オリジナルサイトで読む