Umabot na sa 744 kaso ng leptospirosis ang naitala sa Central Visayas mula noong Nobyembre 1, ayon sa Department of Health (DOH).
Ayon sa DOH nitong Sabado, naitala ang datos kasunod ng matinding pagbaha sa rehiyon dulot ng Bagyong Tino hanggang nitong Disyembre 10.
Karamihan umano sa mga pasyente ay nakaranas ng lagnat, panginginig, sakit ng ulo, at pamumula ng mata matapos ma-expose sa baha.
Samantala, 715 naman sa mga pasyente ang gumaling na habang tinitiyak ng ahensya na may sapat itong suplay ng doxycycline sa mga ospital para sa agarang lunas.
Patuloy rin ang paalala ng DOH sa publiko na agad magpakonsulta kung nakakaranas ng sintomas ng leptospirosis. (Angelica Malillin)
