Nasugatan ang 14 pasahero matapos tumagilid ang isang pampasaherong UV Express van na may rutang Daet–Naga City sa Maharlika Highway sa Barangay Pagsangahan, Basud, Camarines Norte.
Sa report, Linggo ng hapon nang bigla umanong magloko ang sasakyan dahilan upang ito ay tumagilid sa gilid ng kalsada.
Agad rumesponde ang Basud Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at iba pang rescue team at isinugod sa mga kalapit na ospital ang mga sugatan para sa agarang lunas.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng aksidente. (Ronilo Dagos)