Pagbagsak ng mga bato naitala sa Mayon volcano

Nakapagtala ng rockfall ang bulkang Mayon kahapon.

Nangyari ang pagbagsak ng mga bato nitong Miyerkoles ng umaga, Disyembre 17 batay na rin sa ibinahaging video ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sinabi ng Phivolcs na nangyari ang rockfall bandang 9:29 ng umaga, sanhi ng paghihiwalay o “spalling” ng lava mula sa summit crater ng bulkan.

Dumaloy ang rockfall sa Mi-isi Gully sa timog timog-silangang bahagi ng bulkan at huminto sa loob ng isang kilometro mula sa tuktok ng Mayon.

Nananatili sa Alert Level 1 ang Mayon Volcano, at mariing pinapayuhan ang publiko na umiwas sa permanent danger zone upang masiguro ang kaligtasan, ayon pa sa Phivolcs.


オリジナルサイトで読む