Broadcaster na kagawad, kalaboso sa cyber libel

Isang barangay kagawad na kasalukuyang nagbo-broadcast ang tinimbog dahil sa kasong libelo.

Inaresto ng Digos City Police Station, sa pangunguna ni PLt.Col. Normal YParraguirre OIC-Chief of Police, ang kagawad sa Barangay Zone II, na si Michael Nacua, nasa hustong gulang, may asawa, isa ring broadcaster, at residente ng Barangay Zone II Digos City, sa bisa na rin ng warrant of arrest para sa cyber libel na inisyu ng Regional Trial Court, 11th Judicial Region Branch 61 na nilagdaan ni Hon. Judge Carfelita B. Cadiente-Flores.

Sa ngayon ay pansamantalang nakalaya si Nacua matapos makapagpiyansa ng halagang ₱10,000.00.

Ibinunyag ni Kagawad Nacua na ginagawa lamang niya ang kanyang trabaho bilang media person na nagresulta naman sa mga kasong isinampa laban sa kanya.

Gayunpaman, handa aniya siyang harapin ang kasong kinakaharap niya.

Hinimok din niya ang ibang media na huwag matakot magsabi ng totoo. (Edith Isidro)


オリジナルサイトで読む