Tsuper na nanagasa ng bahay, sumuko

Hawak na ngayon ng Lake Sebu Municipal Police Station sa South Cotabato ang driver ng sasakyang nasangkot sa hit-and-run incident, madaling araw nitong Miyerkules, Disyembre 17.

Kinumpirma rin ng mga awtoridad na pagmamay-ari ng municipal government ang pick-up vehicle na sangkot sa insidente.

Nauna nang naiulat na sinalpok ng pick-up ang isang bahay sa Purok Pag-asa, Barangay Poblacion, sa gitna nang mahimbing na pagkakatulog ng isang pamilya.

Pero sa halip na saklolohan ang mga biktima, mabilis umanong tumakas noon ang tsuper.

Ayon sa pulisya, boluntaryo namang sumuko ang salarin sa kanilang himpilan, dala ang sasakyang ginamit nito.

Paliwanag ng driver, nawalan umano ito ng control sa sasakyan kaya’t nag-overshoot ito hanggang magtuloy-tuloy sa bahay ng mga biktima. (Jun Mendoza)


オリジナルサイトで読む