Sa halip na magdiwang sa araw ng Kapaskuhan, pagluluksa ang nararamdaman ngayon ng isang pamilya sa Lungsod ng Koronadal matapos pagraratratin ng hindi pa nakilalang mga suspek ang isang padre de pamilya, gabi noong Martes, Disyembre 23.
Kinilala ang biktima na si Renante Buyco, residente ng Purok Upper Valley, Barangay Sto. Niño ng nabanggit na lungsod.
Ayon sa mga awtoridad, bago ang krimen, nakaupo lamang ang biktima sa harap ng kanilang bahay nang biglang dumating ang mga suspek na sakay ng isang motorsiklo at agad pinaputukan ang biktima.
Naisugod pa sa ospital ang biktima subalit binawian din ng buhay dahil sa tinamong mga tama ng bala sa katawan.
Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa likod ng insident
